Advertisers
MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 11- anyos na batang babae nang gawing “sex slave” ng sariling ama hanggang sa mabuntis sa lungsod ng Talisay.
Ipinagbubuntis ngayon ng biktima na itinago sa pangalan “Dina” ang kababuyang ginawa ng kanyang ama.
Ayon kay Police Major Karina Onio, deputy chief ng Talisay City Police Station, nadakip sa isinagawang operasyon ang baboy na ama na itinago sa pangalan “Tino” na nahaharap ngayong sa kasong ‘Rape’.
Sa salaysay ng biktima, hindi na niya nakayanan ang apat na taon na panggagahasa sa kanya ng ama kaya humingi na siya ng tulong sa kanyang ina na 7 taon nang hiwalay sa ama.
Kaagad nagtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima para humingi ng tulong, na nagresulta sa pagkadakip sa baboy na ama.