Advertisers

Advertisers

BIG DRUG GROUPS TARGET NG GOBYERNO – DOJ

0 134

Advertisers

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang Pilipinas ay nakatuon sa paghabol sa mga organisado at malalaking grupo sa iligal na droga sa pamamagitan ng “effective, focused, and dedicated law enforcement.”

Aniya, suportado ng DOJ ang pagsasagawa ng executive review ng Dangerous Drugs Act of 2002 matapos itong makatanggap ng mungkahi mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagpupulong ng isang inter-agency group para pag-aralan at magrekomenda ng mga pagbabago sa batas.

Sabi pa ni Remulla, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga law enforcement ng bansa na habulin ang mga sindikato ng droga sa halip na street-level players.



Samantala, naunang binanggit ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang kamakailan na bilang ng mga iligal na droga na nakumpiska ng Philippine National Police sa pagsisikap nitong habulin ang mga sindikato at hindi lamang ang maliliit na tulak.

Sinabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon, tinututukan ng kanilang ahensya ang mga “top-tier” na suspek.

Sinabi ni Carreon na 15,271 high-value target, na kumakatawan sa mga lokal at dayuhang sindikato, ang naaresto mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 2022.