Advertisers
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Miyerkules ang Filipino para-athletes na nagdala ng karangalan sa bansa matapos lumahok sa katatapos lang na 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh,Cambodia.
Sa Facebook post, Binati ni Marcos ang para – athletes na nagpakita ng kanilang talento at naguwi ng 34 gold medals, nalampasan ang 28-gold harvest sa Surakarta, Indonesia nakaraang taon.
“Binabati natin ang ating mga para athletes na nakilahok sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia (We congratulate our para athletes who participated in the 2023 ASEAN Para Games in Cambodia),” Wika ni PBBM.
“Sa 34 na gold, 33 na silver, at 50 bronze medals na inyong pinanalo, pinakita ninyo ang galing at husay ng mga para athletes sa bansa at pinatunayang hindi hadlang ang kapansanan sa pag-abot ng mga pangarap (With the 34 gold, 33 silver, and 50 bronze medals that you bagged, you showed the talent and skills of the country’s para athletes and proved that disability is not an obstacle to achieving dreams).”
Bukod sa 34 gold medals, ang Pilipinas ay nagwagi rin ng 33 silvers at 50 bronzes, nagtapos fifth overall.
Sinabi ni Marcos na ang paglahok ng Philippine teams ngayon taon sa ASEAN Para Games ay testamento na ang pagkakaisa ay nangingibabaw sa Bansa.
“Dala ninyo ay hindi lamang karangalan para sa Pilipinas kundi mas malalim na pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon. Mabuhay ang atletang Pinoy (You brought not only honor for the Philippines but deeper unity among the countries in the region. Long live the Filipino athletes)!” anya.
Nasungkit ng Indonesia ang kanilang pangatlong sunod-sunod na overall title matapos humakot ng 153 golds, 141 silvers, at 93 bronzes.
Thailand, na maging host ng 2025 edition sa Korat, nagkasya sa second place na may 123 golds,107 silvers, at 92 bronzes, na sinundan ng Vietnam (66-56-78) at Malaysia (47-38-35).
Myanmar ranked sixth(15-23-19) sinundan ng Singapore (12-15-17) Cambodia (9-18-43)
Myanmar ranked sixth (15-23-19), followed by Singapore (12-15-17), Cambodia (9-18-43), Brunei (3-3-2), Timor Leste (2-0-0), and Laos (0-2-9).