Advertisers

Advertisers

Titser kinalasan ng nobyo, naglaslas

0 143

Advertisers

ANG paghihiwalay nila ng kanyang nobyo ang hinihinalang nagtulak sa isang guro para magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa pulso sa Imus City, Cavite, Lunes ng hapon.

Nakaratay ngayon sa Ospital ng Imus ang 22 anyos na dalaga, titser sa isang pribadong eskuwelahan.

Napag-alaman sa ina ng biktima mula sa kaibigan nito sa pamamagitan ng video call na ang dalaga ay naglaslas ng kanyang kaliwang pulso 4:30 ng hapon sa loob ng kanilang bahay. Maagap namang naisugod ito sa ospital.



Napag-alaman na matapos makipag-break sa biktima ang nobyo ay naglaslas ito.

Nasa maayos nang kalagayan ang guro at nakatakdang ilipat ng pagamutan.