Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas byaheng Estonia

0 234

Advertisers

MATAPOS mag-aksaya ng apat na araw na training sa Inspire Sports Academy sa Calamba,laguna, ang Gilas Pilipinas ay nakatakdang bumiyahe papuntang Estonia Huwebes ng gabi.

Pero hindi umaasa si Gilas coach Chot Reyes na ang 20-pool man national pool ay makakasama na ang apat na miyembro ng team ay kasalukuyang nagpapagaling ng ibat-ibang injuries.

TNT veteran gunner Roger Pogoy ay kasalukuyang sumasailalim sa therapy nabali ang right pinky sa nakaraang PBA Governors Cup Finals, Habang si Calvin Abueva ay nagpapagaling ng calf injury, na kanyang natamo sa nakaraang Southeast Asian Games Mayo.



Bobby Ray parks (wrist) at Jordan Heading (back) hindi rin makakasama sa Gilas squad.

PBA stars, June Mar Fajardo at Japeth Aguilar ay balik sa dating kundisyon simula magtamo ng magkaibang injuries nakaraang PBA season.



Justin Brownlee, isa sa tatlong naturalized players sa pool, ay hindi lumahok sa training sa Laguna matapos sumailalim sa “non-basketball medical procedure” sa United States,ayon kay Reyes’ update sa kanyang instagram account Martes.

Utah Jazz star Jordan Clarkson at batang big man Kai Sotto ay hindi inaasahan na sasama sa European trip.



Ang biyaheng Europe ay bahagi ng preparasyon ng Gilas para sa 2023 FIBA World Cup kung saan ang Pilipinas ay bubuksan ang group stage game versus Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.