Advertisers

Advertisers

YULO HOUSE BLESSING SA BAGONG ISYU

0 13

Advertisers

ANO nga ba ang true color sa issues ng YULO family na matagal at madalas, pabalik-balik na trending sa social media? YULO is almost synonymous to Sports championship since markado na 1st ever double gold champion sa Gymnastics at popular sa world stage si CARLOS EDRIEL YULO, bringing home the bacon after about a century sa history natin sa Paris Olympics.

Admit it or not, marami tayong Champion athletes but CARLOS is our lone twin gold champion gaining such honors in a competition sa loob ng ilang oras lang. What a record in Sports history!

Dagdag sa issues upang naging nega moves ng Ina nitong si ANGELICA POQUIZ YULO, nagpapresscon with showbiz media accompanied by a lawyer, sa paninira sa anak na si CARLOS mula sa isyu ng pag-alis sa poder niya at pinili ng anak ang girlfriend na si CHLOE ANJELEIGH SAN JOSE, isang socmed influencer na Pinay based in Australia.

Humakot ng samut-saring komento, opinyon, bashings atbp ang isyu mula sa pagsimot umano ni ANGELICA ng Php11m sa bank account ng anak without consent plus other allowances na ikinagulat ng anak nang matanggap ang bank notice. Sino ang tama, anak o ina? Ibinili umano ng property ang pera, nakapangalan sa ina at walang alam ang anak, 11M nasimot? Singit ang isyu na may gambling photos ang ina na deleted later.

Maraming kabuntot na isyu nang.humiwalay o pinalayas umano si CARLOS, simot ang pera at sinuportahan ng nobya hanggang makasungkit ng twin gold, then umentra ang ina sa media, sa kasiraan ng anak. Kayo na po ang umunawa sa lalim ng isyu involving our top athlete’s family.

YULO BROTHERS AT CHLOE, CLOSE
SA kasagsagan ng isyu, naging saksi po kami sa close at sweet relationship nina CARLOS at CHLOE sa younger brod na si KARL ELDREW sa isang SMB-Philippine Sportswriters Association (PSA) awarding ceremony sa Diamond Hotel na awardees ang magkuya. Idol at inspiration ni ELDREW ang kapatid and it’s not surprising na masundan nito ang footsteps ng twin golden boy na si CARLOS. O di po ba, nag-umpisa nang gumawa ng sariling pangalan si ELDREW, nagbubulsa na ng gold, silver bronze?

YULO HOUSE BLESSING MINUS PARENTS
MAY cryptic post si MARK ANDREW YULO na lalong nagpainit sa isyu ng hindi nila pagsipot ng asawang si ANGELICA sa house blessing. Yes po, bumukod na rin, humiwalay na ang magkapatid na atleta, KARL ELDREW at ELAIZA ANDRIEL at absent sa house blessing ang parents pero present sina CARLOS at CHLOE.

Ang post ng padir, ” Di ka bagay dito. bagay ka sa dun sa mga taong palara. Sa mga taong nakahiga sa salapi. Sa mga taong dyinudyos ang pera . Sa mga taong sumasamba sa piso. Dun ka nababagay.”.

Ayon pa sa info, nakapagtataka na walang posts si ANGELICA sa recent victories ni ELDREW sa world series, whatsoever. idagdag pa na itinago umano ng madir ang passport ni ELDREW para di nakapunta sa Japan training, di pinayagan. Whatever, let’s just pray and hope na magpatuloy ang pagbitbit ng medals of honor para sa bansa ng YULO siblings. After all, wala naman pong perfect na masa.