Advertisers
TAHASAN kong sasabihin na itong si Senador Robinhood Padilla ang pinakawalang kuwenta at pinaka-bugok sa kasaysayan ng mga senador sa Republika ng Pilipinas.
Oo! Akala ko’y si Lito Lapid na ang pinakamahinang nahalal na senador ng bansa, mas malala pala itong si Robinhood.
Bakit ko nasabi ito? Aba’y mantakin mo, mga pare’t mare, hindi pa nga naiaakyat sa Senado ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio ay ipinagsisigawan kaagad ni Padilla na haharangin nilang minority senators ang impeachment. Kasi ito raw ang papel nilang minority, ang komontra nang komontra. Tsk tsk tsk…
Dinamay pa rito ni Padilla ang maaalam na miembro ng minority tulad nina ex-Senate President Chiz Escudero, mag-utol na abogadong Allan at Pia Cayetano, matatalinong mag-utol na bilyonaryong Mark at Camille Villar, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta at Bato dela Rosa.
Kunsabagay malamang sa malamang ay talagang hindi boboto itong mga nabanggit kong senador para ma-impeach si Sara dahil malaki ang “utang na loob” nila sa ama ni Sara na si ex- Pres. Digong Duterte. Nabigyan kasi sila ng malaking pabor noong nasa puwesto si Digong, bukod dito ang ilan sa kanila ay nahaharap sa kaso ng katiwalian. Pero chill lang sila, hindi tulad ni Padilla na hindi pa nga naririnig o nakikita ang mga ebidensiya sa impeachment ay nagpahayag kaagad ng pagiging bias. Animal!
Nakalimutan yata o talagang hindi niya alam ni Padilla na siya’y senador ng Republika ng Pilipinas, hindi senador lamang ng Dutertes.
Anyway, walang ibang dapat sisihin sa pagkaroon ng isang bugok na senador tulad ni Padilla kundi ang masang botante. Naniwala kasi ang marami nating kababayan na ang pagiging mahusay na aktor ni Padilla ay madadala niya sa senado. Eh ang Senado ay seryosong trabaho hindi entertainment. Gets n’yo, mga pare’t mare?
I’m praying sa darating na senatorial election ay hindi na mahalal si Padilla. Sayang na sayang ang taxpayers money na pinasusuweldo sa kanya. Mismo!
***
Totoo ba itong kumakalat na balita sa social media na binato ng laptap ni VP Sara Duterte-Carpio ang isa sa kanyang tagapagtanggol sa impeachment na si Atty. Michael Poa?
Kung totoo man ito, kung ako kay Atty. Poa, ay kakalas na ako sa Defense Team ni Sara kahit pa milyones ang bayad sa kanya.
Si Poa ang nagsisilbing tagapagsalita ng Defense Team ni Sara. Mahusay talaga ito. Pero pinagmukha yatang engot ni Sara. Aray ko!
***
ISA na namang DDS vlogger ang na-entrap ng NBI dahil sa pangingikil.
Si Franco Mabanta, ang founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN), ay inaresto ng NBI matapos tanggapin ang pain na P70m sa P350 million kinokotong niya kay dating House Speaker Martin Romualdez para kuno hindi maikalat nito ang mga isyu ng katiwalian ni Martin. Subaybayan!