Advertisers

Advertisers

“Gas-and-Run” sa QC, plaka tukoy na

0 2

Advertisers

Natukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang plate number ng sasakyang tumakas nang magpakarga ng P1,500 halaga ng gasolina sa isang gasolinahan sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Barangay Bahay Toro noong Linggo.
Sa pahayag nitong Miyerkoles, sinabi ng QCPD na ang sasakyan ay isang gray-blue Toyota Vios (2023 model) na may plakang CBK 7953, na natukoy sa pamamagitan ng CCTV backtracking at koordinasyon sa mga kalapit na establisimyento at barangay.
Batay sa beripikasyon, binili ang sasakyan sa Toyota Nueva Ecija, nakarehistro sa ilalim ng Toyota Financial Services Philippines Corporation, at naka-lease sa isang indibidwal na kinilala sa alyas “Jherosalyn”.
Umapela ang QCPD kay “Jherosalyn” na makipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Hinimok din ng pulisya ang publiko na agad i-report ang anumang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga sangkot.(Almar Danguilan)