Advertisers
NATUKOY na ng mga awtoridad ang apat na persons of interest sa pagpaslang sa isang district supervisor ng pampublikong paaralan sa bayan ng Alicia, kungsaan sinisilip ang posibleng kaugnayan ng krimen sa trabaho ng biktima.
Kinilala ang biktima na si Rey Camaingking, 45-anyos, district supervisor ng Olutanga District, na binaril at napatay Abril 30, 2026 sa Sitio Guicam, Barangay Dawa-Dawa.
Batay sa paunang imbestigasyon, pauwi na ang biktima matapos dumalo sa isang aktibidad sa paaralan nang pagbabarilin ng mga sakay ng motorsiklo.
Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang insidente at nanawagan ng hustisya.
“During sa conduct of investigation is sa trabaho. We have four POI. Ongoing pa ang case build-up para makonek nga kani gyud sila mao ang tanang POI,” ayon kay Zamboanga Sibugay Police Provincial Office Spokesperson, Lt. Gina Magnaye.
Patuloy ang isinasagawang case build-up ng pulisya upang matukoy ang pagkakasangkot ng mga tinukoy na persons of interest.