Advertisers

Advertisers

Mga mambubully sa iskul mahaharap sa expulsion – DepEd

0 13

Advertisers

NAGBABALA si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na mahaharap sa expulsion ang mga mag-aaral na napatunayang nambully ng kapwa estudyante.

Ayon sa Kalihim, na ito ang nakasaad sa bagong polisiya ng DepEd.

Isinagawa nito ang pagbabala sa naganap na pambubully ng ilang estudyante lalaki sa kaklase nilang babae sa Malinao, Aklan.



Giit nito na mula pa noong Senador siya ay adbokasiya na nito ang pagprotekta sa mga bata at lalo na ito ay Kalihim na ng DepEd ay mas pinalakas nito ang pagprotekta sa pamamagitan ng pagbago sa implementing rules ng batas.

Dagdag pa ni Angara na base sa DepEd Order 006 ng 2026 o ang ESMLE Policy na kanilang pinaigting ang kanilang kasagutan sa mga bullying kasama na ang expulsion at posibleng disiplinary actions.



Natitiyak ni Angara na kaniyang papanagutin ang sinumang napatunayang lumabag sa batas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">