Advertisers

Advertisers

2 Pinay mula Cambodia timbog sa P56.6m shabu sa NAIA

0 10

Advertisers

ARESTADO ang dalawang Pinay na galing Cambodia nang mahulihan ng mahigit P56.6 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Miyerkoles, Mayo 6.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), natuklasan sa dalawang bagahe ang tinatayang 8,234 gramo ng shabu na nakasilid sa mga improvised pouch na gawa sa carbon paper at packaging tape at kasama ng coffee powder, assorted coffee packs, at iba pang personal na gamit.
Tinatayang aabot sa P56,603,200 ang halaga ng nasabat na ilegal na droga.
Ituturn-over ang mga nakumpiskang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa confirmatory examination, habang inihahanda ang inquest proceedings.(Jocelyn Domenden)