Advertisers

Advertisers

TNVS driver inireklamo ng kotong ang 4 HPG personnel

0 11

Advertisers

NAGSAMPA ng reklamo sa National Police Commission (Napolcom) ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver laban sa apat na tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) kaugnay ng umano’y pangingikil sa pag-impound ng kanyang sasakyan.
Sa pahayag ng Napolcom nitong Martes, kinilala ang mga inireklamo na sina Executive Master Sergeant Alfonso Sarol Jr., Senior Master Sergeant Jefferson Tibayan, Corporal John Evan Fabrero, at Patrolman Reymark Gines mula sa HPG-National Capital Region.
Ayon sa biktima, pinatigil siya ng HPG mobile patrol dahil sa umano’y sirang tail o brake light Abril 29, bandang 9:00 hanggang 10:00 ng umaga sa kahabaan ng EDSA southbound.
Dinala siya sa HPG police outpost sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension sa Caloocan City, kungsaan ipinaalam sa kanya na i-impound ang kanyang sasakyan dahil sa expired na mga dokumento.
Ayon pa sa reklamo, pinagsumite rin siya ng karagdagang requirements mula sa kanyang financing company para sa pagpapalabas ng sasakyan.
Gayunman, habang inaa-yos niya ang mga dokumento, iminungkahi ni Fabrero na maaaring mapabilis ang pagpapa-labas ng sasakyan kapalit ng P50,000, na kalauna’y ibi-naba sa P35,000 matapos ang negosasyon.
Giit ni Napolcom Commissioner Ralph Calinisan, walang puwang sa serbisyo ang sinumang pulis na ginagamit ang kapangyarihan sa pangingikil.
“We take these allegations very seriously… this is a clear abuse of power and a betrayal of public trust. Napolcom will ensure that those found accountable are held fully liable, and that justice is served without exception,” ani Calinisan.