Advertisers
RERESBAK ang malakas na koponang Katayama Baseball Association ( KBA) team sa paglahok muli nito sa Liga Baseball Philippines(LBP) Season 2 na hahataw sa huling weekend ng buwan ng Mayo ,2026.
Ang KBA Stars team na pag-aari ni Japanese national na ang puso ay Pilipino Keiji Katayama ay di natupad ang misyong pagharian ang buenamanong edition ng LBP ay determinadong mahablot ang tagumpay sa ikalawang pagtatangka dahil sa matinding team build- up at preparation upang matupad nila ang ambisyong magkampeon.
Ang top brass ng isang multi- national company sa bansa na si Keiji ay dating varsity baseball player sa kanyang bansang Japan ay pangarap sanang makapaglaro sa Major Baseball League ay na-assign sa Pilipinas kung kaya naudlot ang kanyang ambisyon.
‘Di naman niya kinalimutan ang first love niyang baseball kaya naglaro pa rin siya sa Pilipinas bilang guest player ng Manila Star hanggang nag-coach na siya sa collegiate at nagtayo na sin ng sariling baseball team na KBA Stars na itinuturing ngayong team to beat sa mga ligang baseball sa bansa partikular Metro Manila.
Optimistiko si Keiji na matutupad angbkanyan misyon dahil may mga manlalaro silang kayang tapatan ang mga koponang naghanda rin ng husto para sa LBP2.
Kaya inaabangan na ang KBA Stars ng mga powerhouse na NU Bulldogs, DLSU Green Batters, Muralla Dawgs, Taguig IX, UST, Ateneo atbp.
Ang LBP ay pinamumunuan ni Chairman Wopsy Zamora katuwang si president Pepe Munoz.
KBA sa LBP 2. ABANGAN!!
Lowcut: Special Shoutout sa ating tsokaran sa Taguig na sina Mr.& Mrs Fernando and Mayet Salazar diyan sa Bonifacio Ave., Upper Bicutan, Taguig City .Tikman ang masarap nilang ulam na tunay sa dinadayo ng masa na naging trademark ang lutong Capampangan, Ilocano at Tagalog kaya ubos ang kanilang authentic lutong- bahay. kudos sa mga kaibigan sa Penaranda, Nueve Ecija, gayundin kay Ms Beverly ng Taguig din. PUGAY!
Sure win ang ating kaisport na si Master Crisanto Cuevas sa kanyang nalalapit na sandali ng katotohanan itatanghal siya bilang pinuno ng Tanayans Club sa America. action at tunay na pagbabago ang plataporma ni Mantas Cuevas. Ang kanyang wagi ay tagumpay ng mga taga- Tanay… MABUHAY!