Advertisers
Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Meycauayan City Police Station at Provincial Intelligence Team ang isang lalaki sa Brgy. Pajo Meycauayan City na kabilang sa top 3 Most Wanted sa lalawigan at top1 most wanted sa lungsod.
Sa report ni PLtCol Melvin M Florida Jr. kay OIC PNP Provincial Director PCol. Jay Baybayan kinilala ang inarestong suspek na si alyas Bogart 19- anyos, residente sa nabangit na barangay.
Dinakip si Bogart, ng mga pulis habang sakay ng isang dump truck ,sa pamamagitan ng warrant of arrest ganap na 9:00 ng umaga ng Mayo 4 2026.
Nakasaad sa warrant ang kasong Rape at paglabag sa Section 5(b) ng R.A. 7610 na may Criminal Case Number 2027-M-2026 at 2028-M-2026 na inilabas ni Hon. Elenita N.E. Macatangay-Alviar, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 121, Meycauayan City,
Samantala, nakakulong ang suspek sa Meycauayan City jail kung saan walang piyansang inirekominda ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)