Advertisers
MARIIN na pinabulaanan ng kampo ni Atty. Manases Carpio, mister ni Vice President Sara Duterte, ang mga ulat hinggil sa P6.7 billion bank transactions na iniugnay sa kanilang mag-asawa.
Giit ng abogado ni Carpio na si Peter Paul Danao, hearsay o gawa-gawa lamang, walang katotohanan, ang naturang transaksyon. Wala raw ganung pera sina Mans at Sara.
Ibig bang sabihin ni Atty. Danao ay tahi-tahi lamang ng Anti-Money Laundeting Council (AMLC) ang bank records na ibinigay nito sa House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment hearing ni Sara?
Sa isang impeachment hearing ng HCJ, sinabi ng AMLC na may mga “covered and suspicious” na transaksyon na iniulat ng bangko sa kanila.
Kinumpirma rin ng AMLC ang kopya ng bank transactions na hawak ni dating Senador Antonio Trillanes, isa sa mga nagsampa ng kasong Plunder sa Ombudsman laban sa mag-asawang Mans at Sara.
Sa kabila nito, iginigiit ng kampo ng mag-asawang Mans at Sara lalo ng kanilang supporters (DDS) na gawa-gawa lang ang naturang bank transactions!
Kung gawa-gawa lang ang naturang bank transactions, dapat humarap sa impeachment hearings ng Kamara sina Mans at Sara para hamunin ang rekord ng mga nag-akusa sa kanila. Pero never nilang ginawa, sa halip sa social media sila nagngangakngak!!!
Oo! Makikita na sa bawat hearing ng Kamara ay bakante ang upuan ni Sara, ‘di siya sumisipot. Kahit ang kanyang utol na kongresista na si Pulong at pamangking mambabatas din ay hindi manlang siya ipinagtanggol sa mga pagdinig.
Ngayong tapos nang mailatag lahat ng mga ebidensiya at pagkumpirma sa mga salaysay ng mga testigo, at naghahanda na ang Kamara para sa botohan sa impeachment, na posible sa huling linggo ng Mayo mangyayari, ay saka palang lumalabas ang magsawang Mans at Sara, utol na si Pulong at pamangkin.
Iginigiit nilang gawa-gawa lang ang mga numero ng AMLC about bank transactions ng mga Duterte partikular ng sa mag-asawang Mans at Sara.
Pero ang rekord ng AMLC ay hindi nagsisinungaling. Ito ay AMLC. Period!
***
Masyadong delayed ang paglabas ng desisyon ng Korte Suprema sa pagpawalang-sala kay dating Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na sinibak ni noo’y Presidente Rody Duterte dahil sa pagsapubliko sa bank transactions nilang mag-aama.
Mantakin mo nagbilang ng walong taon ang Korte Suprema para sabihin ang Pangulo (Duterte) ay walang kapangarihan sa pagsibak sa isang constitutional official tulad ni Carandang.
Well, maaring idahilan ng Korte Suprema na marami silang mas mahahalagang kaso na nirerebyu kesa sa kaso ni Carandang. ‘Yan lang naman ang palagi nilang palusot eh!