Advertisers
NAKAMIT ng Filipino na si Albert delos Santos ang gintong medalya sa men’s 71kg Martes ng umaga (oras sa Pilipinas) sa IWF World Junior Championships sa Ismailia, Egypt.
Ang 19-anyos na si delos Santos ay nakapagbuhat ng 175kg sa clean and jerk upang makuha ang titulo, pagkatapos ay tumaas ng 12kg upang mapabuti ang kanyang sariling junior world record at nagtapos na may 17kg na kalamangan sa 139-187-326.
Sa pagtatapos ng 71kg na sesyon, tumakbo si delos Santos mula sa plataporma upang yakapin ang kanyang ina, si Diwa, na naglabas ng larawan ng yumaong asawa, si Alvin, isang dating pambansang manlalaro na namatay dahil sa kanser sa atay dalawang buwan na ang nakalipas.
Hinalikan ni Delos Santos ang larawan,at sinabi, “I did it for him! I did it for him!”
“Last-minute clutch because a week before we left, I injured my lower back, so I had to stay focused in recovery and not lose hope,”Anya sa online interview.
“The world record is for my papa,” dagdag ng second-year financial management student mula sa Universidad de Zamboanga.
Si Yash Khandagale ng India ay nakakuha ng pilak sa snatch (140), tanso sa clean and jerk (169), at pilak sa kabuuan (309).
Si Jimmy Lopez ng Ecuador ay pumangatlo sa kabuuan kahit na ikawalo siya sa snatch at ika-apat sa clean and jerk. Nakuha niya ang 134-167-301.
Ang 5-foot- 8-pulgadang si Delos Santos ay naging kampeon sa Youth noong 2023 sa 61kg at nagwagi sa Junior noong nakaraang taon sa 67kg.
Si Delos Santos ay nakapokus sa kanyang mga layunin sa Asian Games at sa senior World Championships sa Japan at China. Siya ay nagsasanay sa ilalim ni Julius Naranjo, asawa ng Tokyo Olympics gold medalist na si Diaz.