Advertisers

Advertisers

Pasahero ni-rape ng padyak boy

0 155

Advertisers

TIMBOG ang isang tricycle driver nang manghalay ng menor de edad na pasahero sa isang sementeryo sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Lt. Colonel Jerry Castillo, hepe ng Novaliches PNP, 53 anyos ang suspek na 20 taon nang namamasada sa lugar.

Sa imbestigasyon, 9:00 ng gabi ng Sabado, galing sa bahay ng kaibigan, sumakay ng tricycle sa Brgy. San Bartolome ang 17-anyos na biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Brgy. Talipapa.



Sa kalagitnaan ng biyahe, nakiusap ang suspek na may dadaanan sandali sa sementeryo at nang pumayag ang biktima ay dinala siya sa madilim na bahagi ng sementeryo at doon siya hinalay.

“Accordingly sa babae sinabi niya limang beses siya sinuntok hanggang manghina at hinubaran niya at dun niya ginawa ng kahalayan. After ng panghahalay ng suspek iniwan niya ang biktima sa sementeryo at umuwi na ito sa bahay,” ayon kay Castillo.



Agad nagkasa ng follow-up operation ang pulisya matapos dumulog sa kanilang istasyon ang biktima at magulang nito.

Nasakote ang suspek sa mismong terminal ng tricycle kung saan siya kadalasang namamasada. Nakuha rin sa kanya ang damit na isinuot niya nang gawin ang krimen. (Boy Santiago)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">