Advertisers

Advertisers

NOTEBOOK NA NAMBISTO SA NPA

0 8

Advertisers

ISANG “Muji” notebook na naglalaman ng karanasan ng isang estudyanteng na-recruit ng New People’s Army (NPA), ang inilabas nitong Sabado ng Philippine Army (PA).

Nakakabahala ang paglalahad ng sumulat na estudyante sa journal o’ notebook na iyon, na kasamang narecover ng Army matapos ang enkwentro sa may Sitio Salafay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong 29 March lamang. Napatay sa sagupaang iyon sa pagitan ng mga NPA at mga sundalo, si Captain Dean Buen Oyando.

Natagpuan at nahuli din sa enkwentrong iyon, si Charlize Garzon, isa sa mga kabataang na-recruit ng NPA at ginawang guerilla.

Kay Garzon man, o’ sa iba pang kabataang nalinlang ng NPA na maisali sa kanila, ang notebook na iyon, ang mahalaga ay ang inilalahad nito, ang hirap nilang karanasan nang mapasali sa komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

“Liban sa aktuwal na putukan ng baril, ang malaking kahirapan na kinaharap ko, ay ang atrasan, grabe ang pagod- walang martsa o’ rali ang makakapaghanda sa iyo sa lakaran sa bundok. Grabe ang pawis, ang uhaw, ang gutom,” ang paghahayag ng may-ari ng notebook.

May pagtala pa, na pinaka-mahalagang uto’s ng NPA, ay huwag aamin na kabilang sila sa kilusan, sakaling masukol ng militar.

Ang sabi ni 2nd Infantry Division Public Affairs Office chief Colonel Michael Aquino ang journal na iyon ay naglalarawan ng araw-araw na pamumuhay ng isang na-recruit na kabataan sa NPA. Ang takot, gutom at pangaabuso, lalo na sa mga kababaihan ay ikasusuklam ng sino mang makabasa ng nilalaman ng notebook.

Nangangahulugan, na walang kahihinatnan ang pagsali sa mga kilusang may kaugnayan sa NPA, habang ikaw ay nasa pamantasan o’ unibersidad, dahil kalaunan ikaw ay gagawing guerilla ng NPA, na kadalasan nagtatapos sa kamatayan.

Mapalad ka kung gaya ni Garzon ang naging kalagayan mo. Naipit sa putukan, may armas nga, pero iniwan ng mga kasamahan sa gitna ng labanan at nahuli. Buti at di napatay.

Nabisto ang mga kahuhangan sa loob ng NPA ng notebook na iyon. At kung ako ang inyong tatanungin, gagawa ako ng maraming kopya ng journal na iyon, na naglalaman ng hirap kapag ikaw ay isang NPA na. Ito ay para maipamahagi ko sa mga mag-aaral sa mga unibersidad at mga pamantasan, at maipaalam sa kanila, kung ano ang kanilang dadanasin kapag sila ay nahikayat na sumali sa mga militanteng samahan, at kalaunan ay dadalhin na sa bundok para maging NPA.