Advertisers

Advertisers

Anak ng amo, suspek sa pagpatay sa kasambahay nakalabas ng bansa

0 225

Advertisers

ANG anak ng matandang amo na unang kinasuhan ng ‘obstruction of justice’ ang itinuturing na pangunahing salarin sa pagpatay sa isang kasambahay na nakita ang bangkay sa loob ng drum sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Kenneth Duncan, 35 anyos.

Base sa Bureau of Immigration (BI), nakalabas na si Duncan ng bansa at nagtungo sa Taiwan.



Batay sa pahayag ng mga saksi sa pulisya, napuruhan ni Duncan ang biktimang si Maribel Vilma Bascal, 42, nang komprontahin niya ang huli dahil sa isang ginawa nito.

Itinuturing ng mga awtoridad na kasabwat ni Duncan sa krimen ang kaniyang ina, na nauna nang inaresto at kinasuhan ng obstruction of justice dahil hindi kaagad pinapasok ng matanda ang mga imbestigador sa bahay.

Sinabihan din nito ang mga pulis na patay na hayop lang ang masangsang na amoy sa kanilang bakuran.