Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang pagbabarilin ng riding in tandem habang patungo sa himpilan ng pulisya sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay, Martes ng umaga (Hulyo 4).
Kinilala ang biktima na si PCMS Ronald Sipot Sumamban, 45 anyos, nakatalaga sa Kabasalan Municipal Police Station, ng Barangay Calapan, Kabasalan.
Ayon kay Brigadier General Neil B. Alinsanga, Regional Director PRO9, 10:00 ng umaga sakay si Sumamban ng motorsiklo mula sa Canaca COMPAC kungsaan ito nagdu-duty at patungo na sa himpilan sundan ng riding in tandem at pagbabarilin sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Salipyasin, Kabasalan.
Bago tumakas ang mga salarin, tinangay ng mga ito ang baril ng biktima at humarurot patungo sa Naga, Zamboanga Sibugay.
Dinala ang biktima sa Kabasalan Pathfinder Estate Hospital pero binawian ito ng buhay.
Nakakuha ang mga otoridad ng 1 tingga at basyo ng bala ng caliber .45 sa pinagyarihan ng krimen.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Mark Obleada)