Drug testing sa City Hall, Mayora Honey unang sumalang
Advertisers
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang drug testing sa city officials at employes nitong Lunes nang may panawagan na makilahok ang lahat.
Ang drug testing, ayon kay Lacuna ay upang tiyakin na ang Manila City Hall pati na ang mga satellite offices nito ay totally drug-free.
Sinamahan si Lacuna nina Vice Mayor Yul Servo, chief of staff Joshue Santiago, at barangay chairperson Evelyn de Guzman nang sumalang mismo sa drug test.
Mula sa flag ceremony, ang alkalde pati na ang kanyang kasama ay tumuloy sa second floor malapit sa session hall kung saan ginagawa ang drug testing.
Habang ang nasabing tests ay mandato sa isang memo na inilabas ng Civil Service Commission, hinihikayat ni Lacuna ang lahat ng empleyado na sumailalim sa tests dahil wala namang mawawala sa kanila.
Sinabi pa ng lady mayor na ang tests at libre at mabibigyan ang mga manggagawa ng bawat tanggapan, departamento at kagawaran ng kapanatagan ng isip na sila ay nagtatrabaho sa isang drug-free environment.
Bilang isang public servants, sinabi ni Lacuna na ang city officials at manggagawa ay dapat na magsilbing role models sa pamamagitan ng pag-iwas sa bisyo, lalo na sa drugs.
Sinabi pa nito na ang mga magpopositibo sa illegal drug use ay ire-referr sa confirmatory testing.
Sakaling makumpirma, sila ay isasailalim sa rehabilitation.
Sinabi spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, ang tests ay gagawin hanggang July 28, 2023 during office hours.
Nabatid pa kay Abante na may 8,000 employes ang sasailalim sa nasabing tests. (ANDI GARCIA)