Advertisers
ANG Gilas Pilipinas ay nabiyayan ng promotion sa Division A ng FIBA Asia matapos ang komportabling 83-60 victory kontra Iran, Lunes sa Prince Hamzah Stadium sa Amman, Jordan.
Ang malaking panalo ang komumpleto sa kampanya ng Gilas U-16’s 5-0 sa Division B ng FIBA Under -16 Women’s Asian Championship.
Dahil sa panalo,ang Gilas U-16 Women ay maglalaro sa Division A ng 2025 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship.
Smith umiskor ng game-high 21 points, kabilang ang limang three-pointers, habang si Ava Fajardo may 12 points at nine assists. Ariel Star De La O nagtala ng double double 10 points, at 10 rebounds, at Alyssa Palma humatak ng 11 rbounds.
Houdneh at Fatemeh Jafari umiskor ng tig-14 puntos para sa Iran.