Advertisers
SUGATAN ang siyam katao sa nangyaring personal na away ng dalawang bilanggo Martes ng gabi.
Itinaas ang red alert sa buong National Bilibid Prisons (NBP) habang suspendido ang dalaw ng mga pamilya ng persons deprived of liberty (PDLs) dito simula nitong Miyerkoles.
Arestado ang isang namaril na inmate na nakuhanan ng kalibre .45 na baril.
Bagaman under control na ang sitwasyon, sinabi ni Deputy Director for Operations Andie Bautista na kailangan parin ipagbawal ang pagpasok ng mga bisita upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Iniimbestigahan na ang pag-aaway ng dalawang bilanggo.