Advertisers

Advertisers

Bangka tumaob sa Northern Samar, 31 katao nasagip

0 161

Advertisers

NASAGIP ang 31 katao kabilang ang ilang bata nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng San Antonio, Northern Samar, Martes ng umaga.

Nakahingi ng saklolo ang mga sakay ng bangka at nirespondehan ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) – Northern Samar at ng lokal na pamahalaan ng San Antonio, kabilang ang pulisya.

Nangyari ang insidente 4 kilometro mula sa pampang. Papunta ng San Antonio ang bangka na galing sa San Isidro.



Sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, nabutas ang bahagi ng bangka nang malaglag ang debris sa starboard side na tumama sa bangka. Ito ang naging dahilan ng pagtaob ng bangka.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">