Advertisers

Advertisers

NIA sinita ng Senado sa matinding pagbaha sa Bulacan

0 154

Advertisers

KINASTIGO ni Senador Francis Tolentino ang National Irrigation Administration (NIA) dahil sa kawalan ng abiso sa mga local government unit (LGU) sa Bulacan kaugnay sa pagpapakawala ng tubig sa dam kaya nalubog sa baha ang maraming bayan sa naturang probinsya.

Sa isinagawang pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng katiwalian sa mga natenggang proyekto sa irigasyon ng NIA, ipinarating ni Tolentino ang hinaing ng mga apektadong residente ng Bulacan kaugnay na nararanasang pagbaha sa kanilang mga lugar.

Wala umanong koordinasyon sa ginawang pagpapalabas ng tubig mula sa Bustos dam na naging sanhi ng matinding pagbaha sa buong lalawigan kasunod ng pananalasa ng Bagyong Egay.



Sa panig naman ni NIA Chief Eduardo Eddie Guillen, mayroong protocol na advance information na ipinadala sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan hinggil sa spilling activity o pagpapakawala ng tubig sa dam.

Ngunit ipinunto ni Tolentino na itinatanggi naman ng PDRRMO na alam nila ang naturang abiso.



Samantala, dismayado naman si Sen. Raffy Tulfo dahil sa bilyun-bilyong budget ng NIA na may kabuuang P121 bilyon sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Tulfo, noong 2017 ay may P15-bilyong pondo; noong 2018-2019: P20-B; noong 2020: P25-B; noong 2021: P19-B; noong 2022: P22-B. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">