Advertisers

Advertisers

PCG SINAMPAHAN NG ‘ESTAFA’ ANG GRUPO NG BANGKERO SA RIZAL

0 252

Advertisers

NAGHAIN ng reklamong ‘syndicated estafa’ ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa may-ari ng lumubog na motorbanca M/B Aya Express at maraming iba pa matapos ang insidente na ikinamatay ng 27 pasahero noong Hulyo 27, 2023.

Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, inihain ang ‘syndicated estafa’ sa may-ari, boat captain, at grupo ng Talim Island Motorboat and Patrons Association (TIPMOPA).

Ayon kay Balilo, base ang reklamo sa posibleng “fraud” at “misrepresentation.”



Ang reklamo ay inihain sa Office of the Provincial Prosecutor sa Taytay, Rizal nitong Miyerkoles.

Matatandaang Hulyo 27 tumaob ang M/B Aya Express sa Laguna Lake malapit sa Binangonan, Rizal.

Sinabi ng PCG na ang death toll sa insidente ay 27 at 40 ang nakaligtas. Ang kapasidad ng bangka ay 45 at ang nakalagay sa manifesto ay 22.

Naunang iniulat na inihayag ng boat captain na hindi niya alam na overload ang bangka.

“Iyong captain naman kasi obviously in-admit niya naman iyong mga pagkakamali; nag-submit ng manifest pero pagkatapos noon nagpasakay pa, tapos in-admit din na hindi sila nagpapa-life vest. So, titingnan natin,” sabi ni Balilo.



Sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate (PSSC) ng M/B Aya Express.

Plano rin imbestigahan ng Senado ang trahedya.(Jocelyn Domenden)