Advertisers

Advertisers

Ex-Brgy. kagawad patay sa drug ops

0 160

Advertisers

ISANG dating barangay kagawad ang nasawi nang manlaban habang dalawa pang kapwa nito tulak ang naaresto sa isang entrapment operation sa Wao, Lanao del Sur nitong Miyerkoles.

Kinilala ang nasawi na si Samanodin Pangnalan, dating barangay kagawad; at ang mga naaresto ay sina Norma Macalaba at Jamel Base sa anti-drug operation sa Barangay Kilikili East sa Wao ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa salaysay nitong Biyernes ni Christian Frivaldo, director ng PDEA-BARMM, naikasa ang entrapment operation batay sa mga sumbong ng kanilang mga kamag-anak at local government officials sa Wao hinggil sa pagbebenta ng mga ito ng shabu at marijuana.



Nabilhan ng mga agent ng PDEA-BARMM at Wao Municipal Police Station ng P102,000 halaga ng shabu ang tatlo sa buy-bust operation na nauwi sa engkuentro.