Advertisers

Advertisers

Anak tutol sa bagong asawa ng ina, patay sa hataw ng tubo

0 97

Advertisers

NASAWI ang 46-anyos na lalaki nang paghahatawin ng tubo ng kanyang ina nang sugurin ng nito ang bagong asawa ng magulang na armado ng baril nitong nakaraan linggo sa Bohol.

Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Anino, habang nadakip naman ang ina nitong si Leonita Edusma, 73 anyos, kapwa residente sa Barangay Poblacion, Carmen, Bohol.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang bagong asawa ni Leonita na si Felix Edusma, 61, sanhi ng tinamong sugat sa tiyan at paa.



Sa report ng Carmen Municipal Police Station, umaga ng Lunes, nag-aalmusal ang bagong kasal na sina Leonita at Felix nang dumating si Anino na armado ng baril at binaril ang bagong asawa ng kanyang ina.

Mabilis na kumuha ng tubo si Leonita at pinagpapalo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ng anak dahilan para bumulaga ito sa sahig.



Isinugod sa ospital ang mga sugatan subali’t idineklarang patay ng umatending doktor si Anino.
Desidido naman ang manugang ni Leonita na magsampa ng kaso laban sa ina ng kanyang asawa.

Sinabi ng asawa ni Emmanuel na kontra ito sa pag-aasawa ng kanyang ina kay Felix na ikinasal Hulyo 20, 2023.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">