Advertisers

Advertisers

Bahay ng mayor, grinanada

0 155

Advertisers

MASUWERTE na walang nasaktan sa pagsabog ng isang granada sa labas ng bahay ng alkalde sa bayan ng Dumarao, Capiz.

Ayon kay Mayor Mateo Hachuela, sumabog malapit sa pader ng bahay nito ang isang granada na tinapon ‘di umano ng dalawang lalaking sakay sa isang motorsiklo 8:48 ng gabi ng Agosto 5 kasabay ng pagdiriwang ng kanilang municipal and religious fiesta.

Mabuti nalang, aniya, walang tao sa labas nung mga oras na iyon at isang blasting cap lamang nung granada ang sumabog. Mayroon namang mga CCTV camera sa labas ng bahay nito at sa lugar na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.



Tinintingnan naman ng alkalde na kalaban nito sa pulitika ang may kagagawan sa insidente, at ang motibo nito ang bulabugin ang kanilang matiwasay na pagdiriwang ng kapistahan upang isisi sa kanya.

Patuloy naman ang pagkalap ng ebedinsya ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at NBI upang matukoy ang mga responsable sa pagpapasabog.