Advertisers
WISH ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go ang isang mabunga at respektableng kampanya ng Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa darating na 23rd FIBA Basketball World Cup na ihu-host ng bansa at aarangkada simula Agosto 25 hanggang Setyembre 10,2023.
Optimistiko ang Senate Committee in Sports head at basketball enthusiast na si SBG na uusad sa next stage ang ating pambansang koponan sa posibilidad na manalo ang mga Pilipino sa unang stage kung saan ay unang makatunggali ang Dominican Republic sa Philippine Arena sa grand opening ng biggest basketball show on earth sa Set.25.
Kasunod na katunggali ay ang Angola at Italy sa Araneta Coliseum.
Ang pamosong Team USA ay nasa kabilang bracket na lalaro sa MoA Pasay.
At dahilan sa homecourt natin ito gaganapin ay plus factor na ang homecrowd na dadagsa sa bawat bakbakan ng Gilas Pilipinas na dagdag adrenaline sa deteminasyon ng mga pambato natin at sa puntong ito gugulatin na ng Pilipinas ang buong mundo.
Wika ng dating varsity player sa Davao at kilalang asintado at siga sa teritoryo ng TRES( 3-point area)na si Senator Go ,tiyak na magugulat ang mga dayong koponan mula sa mga kontinente ng mundo at di nila aakalain ang maliit na bansang Pilipinas ay kayang -kayang i- host ng matagumpay ang isang dambuhalang kaganapang pandaigdig at may ipinagmamalaki ring national basketball team na handang makipagsagupaan kontra pinakamagagaling na basketbolista sa buong mundo.
Panawagan ng pinagpipitagang Senador na ang bisyo ay magserbisyo sa sambayanang Pilipino, ang pagkakaisa ng buong bayang basketbolista para sa tagumpay ng ating bansang Pilipinas bilang punong-abala at ang pagpapakitang – gilas na ating pambansang koponan kung saan ay popokus ang buong mundo sa kakayanan ng mga Pilipino…GO Gilas Pilipinas! ABANGAN!!
Lowcut: Shoutout kina SBG media relations officers LP3 at Al Arenas gayundin kay Ms Kyle David.
Optimistiko ang korner na ito na bawat concern ng ating mga kabaro ay tiyak na nakararating kay ActionSenator Bong Go.Hats off sa inyo..Go,go GO! Special mention kay G.Ronaldo ‘Bong Vergara ng Upper Bicutan diyan sa Taguig City.Si Bong ay kilala sa larangan ng serbisyo kahit na nasa sibilyan sektor siya ng barangay. Nakarating sa ating desk ang kanyang pagnanais maglingkod sa kanyang kabarangay sa Upper Bicutan kaya atin siyang suportahan sa kanyang adhikain at layunin. Magagaling talaga ang mga BONG! Go,go GO again!