Advertisers
Bilang representante ng isang probinsya na may maraming bilang ng lokal at katutubo. Pinaunlakan ni Benguet Province Rep. Eric Yap ang imbitasyon maging isa sa panauhin na pangdangal sa 38th Kadayawan Festival sa Davao City kahapon.
Inimbita si Yap na silipin ang Kadayawan Festival ng kapwa nito mambabatas na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Manong Pulong” Duterte.
“Mula pa ng ako ay isa sa representante ng ACT-CIS Party-list magaang na ang loob ko sa mga Dabawenyo. Kaya ako ay hanga sa pamamalakad ng mga Duterte dito lalo na kay Rep. Pulong na tinuturing ko na idol,’ pahayag ni Yap.
Si Rep. Yap ay naging madalas sa Davao upang magbigay tulong sa Davao City ng ito ay nasa ACT-CIS Party-list pa lang.
Mula sa pagiging caretaker sa Benguet ay tuluyan na ito naging Congressman ng Benguet matapos makakuwa ng landslide victory sa probinsya dahil sa pagmamahal at aruga ng pinakita nito sa mamamayan ng Benguet.