Advertisers

Advertisers

Tulak, binasag ang bungo at sinunog

0 144

Advertisers

BRUTAL na pinaslang ang isang tulak ng droga: pinagbabaril at binasag ang bungo nito saka sinunog sa loob ng kanyang behikulo sa Merida, Leyte.

Sa inisyal na report ng Police Regional Office (PRO) 8, ang bangkay ay itinago sa pangalang “Buknoy”, natagpuang sunog sa loob ng kaniyang sasakyan Huwebes ng umaga sa Sitio Bod, Brgy. Barangat Lundag, Merida.



Residente ang biktima ng Ormoc City na dati nang nasakote sa pagtutulak ng shabu sa kasagsagan ng giyera laban sa droga noong 2016.

Ang basag na bungo ng biktima ay sanhi ng paghampas ng matigas na bagay sa passenger’s seat ng kanyang kotse na naka-balagbag sa tabi ng highway.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang apat na butas sa sasakyan sanhi ng naglagos na bala, 2 nadepormang bala, isang basyo at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa tabi ng driver’s seat.

Bago ang pagkakadiskubre sa krimen, nakarinig ang mga residente sa ‘di kalayuan sa lugar ng sunud-sunod na mga putok ng baril.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na pinatay ang biktima sa ibang lugar at dinala lamang sa Brgy. Lundang kung saan sinunog ang bangkay nito para ilihis ang imbestigasyon.

May mga person-of-interest na ang pulis sa kasong ito at natukoy narin ang may-ari ng behikulo bagama’t hindi muna ito pinangalanan dahil sa patuloy na imbestigasyon sa krimen.