Advertisers

Advertisers

Sen. Poe naalarma sa paggamit ng SIM sa operasyon ng illegal POGOs

0 116

Advertisers

IKINAALARMA ni Senador Grace Poe ang patuloy na paglaganap ng text scams at ang napaulat na paggamit ng subscriber identity modules (SIMs) sa mga operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 745, hiniling ni Poe sa kaukulang komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa usapin upang malaman kung ganap na naipatutupad ang Republic Act No. 11934, ang SIM Registration Act, mahigit isang taon mula nang ito’y maisabatas.

“The law aims to protect users from scams and hasten law enforcement in investigating phone-related scams,” wika ni Poe, pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas. “The registration of SIM should help unmask fraudsters and deny them of sanctuary to hide. But, are these being achieved?”.



Ani Poe, nabunyag sa isang raid sa ilang POGO establishments kamakailan na libu-libong SIMs ang ginagamit sa kanilang iligal na operasyon.

Ayon pa kay Poe, dapat magpaliwanag ang implementing agencies, telecommunication companies at law enforcement agencies kung paano narehistro ang libu-libong SIMs na ginamit sa iligal na operasyon ng POGO.



Pinaalalalahan din ng senadora ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang may kinalamang ahensya na magsumite sa Kongreso na ulat at update sa implementasyon ng naturang batas. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">