Advertisers

Advertisers

ABOGADA ITINUMBA SA ABRA!

0 144

Advertisers

NASAWI ang isang abogada nang pagbabarilin ng riding-in tandem sa harapan ng mismo ng bahay nito sa Barangay Zone 2, Bangued, Abra nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Atty. Ma. Saniata Liwliwa Alzate, legal age, ng Zone 3, Bangued.



Sa report, 4:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril habang nasa loob ng kanyang sasakyan na Mirage G4 (AVA 6533) sa may harapan ng bahay ng biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo.

Agad tumakas ang riding in tandem patungo sa Barfy Consilkman, Zone 2.
Isinugod ang biktima sa Seares Memorial Hospital kungsaan binawian ito ng buhay sanhi ng tinamong walong tama ng bala.

Kaugnay nito, bumuo na ang PNP ng Special Investigstion Task Group (SITG) upang pangunahan ang masusing imbestigasyon sa kaso.

Isa sa mga motibong tinitignan ng mga otoridad ay kung mayroon kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang isang trial lawyer

Samantala, kinondena ng Abra government ang karumal-dumal na krimen.

“Our deepest and sincerest condolences to the bereaved family of Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate,” ang pahayag ni Abra Governor Dominic B. Valera.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.