Advertisers
ISA ang nasawi at tatlo ang sugatan nang pagbabarilin sa loob ng sasakyan, Biyernes ng umaga sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna.
Ayon sa Calamba Police Station, 12:40 ng madaling-araw nangyari ang pamamaril. Kinilala ang nasawi na sina Jerome Timoteo, nasa hustong gulang, taga-Dagupan-Tutuban, Tondo, Maynila, na kalalaya lamang mula sa pagka kulong sa kasong droga.
Sugatan naman ang kanyang mga kasamahan na sina Ken Arvie Liad Libardo, 33, ng 1491 Rodriguez St., Sangandaan, Caloocan City; Kashmir Cudiamat, 32 , ng Mangahan, Commonwealth, Quezon City; Dayline Dela Cruz Taclay, hustong gulang, ng Brgy. 53, Tondo; Johnsen Carsa Cruz, 23, ng 842 Pullon St., Dagupan Tondo.
Ayon sa paunang imbestigasyon, ang mga biktima ay sakay ng isang itim na SUV na Hyundai Santa Fe, may plakang PQY 665, at patungo sa 7/11 store para bumili ng kanilang pagkain nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na bumaba mula sa kotseng Suzuki Swift.
Kaagad nasawi si Timoteo at nasugatan ang mga kasamahan nito.
Ayon kay Calamba Police Deputy, Major Jameson Aguilar, narekober sa lugar ng insidente ang 44 basyo ng ‘di pa batid na kalibre ng baril. (ROY TOMANDAO)