Advertisers
NAKADAUPANG palad ng inyong kakorner ang isang kilala at pinagpipitagang personalidad sa sektor ng negosyo at ang karapat- dapat na lingkod-bayan di lang sa kanyang balwarteng Mindanao kundi sa buong kapuluan na rin.
Si Dr.Shariff Ibrahim Albani na proud son ng Tawi-Tawi ay nanghihinayang sa mga pangyayaring kung sino pa ang tunay na may kakayahan sa hanay ng mga batikang lawmakers sa bansa ang wala sa plenaryo ng debate at balitaktakan sa lehislatura para sa kapakanan ng sambayanan.
Sa halip aniya ay nagiging plenaryo ito ng siyasat sa temang ‘in aid of legislation’na dapat ay sa mga LGU na lang nakatoka ang mga isyung ganito.
Ayon sa Gawad Pilipino philantropist awardee at pamosong civic leader ( ka- Agila) na si Kuya SIA, ang Senado ay lunduyan ng mga tunay at batikan na mambabatas.
Nasa 24 ang Senador ng bansa pero mabibilang sa daliri ang tunay na kabilang sa ‘cream of the crop’ at ilan sa kanila ay kasikatan lang ang nagluklok sa trono.
Gayunpaman,wish ni SIA( Shariff Ibrahim Albani) na magkaisa na ang lahat ng Pilipino,Muslim,Kristiyano o anumang sektor o sektang kinabibilangan upang tulungan na lang ang hangarin ng administrasyong isulong ang ating nasyon sa liderato ni PBBM
Handang tumulong ang Ambassador for International Peace and Ecomic Development na si SIA sa lalong madaling panahon.ABANGAN!
Bilang isang bata pa namang personalidad ay kanyang palalawigin at palalakasin ang mga sports o palakasan na naayon sa kabataang Pilipino na makapagbibigay ng karangalan sa bansa.
Lowcut- Special shoutout kay Dra.Risa Caldoza( Mrs International 2017), dermatologist, President of United Platinum Sta Clara Lady Eagles Club, Rotarian and Army Reservist . Kuya Ryan Fernandez ( businessman) na ating nakasama sa isang special na okasyon ng Revilla clan sa Cavite.Birthday ng unica apo ng dating best child actor(plantito) Marlon Bautista(MB)-anak ni legendary actor ( late)Ramon Revilla,Sr. at utol ni Sen. Bong Revilla sa kanyang state of the art residence at bakuran at plantasyon sa Tagaytay City kasama ang ating tsokaran kuya Eagle Franck Carreon.Salamat sa grandeng estima ng mga Revilla sa.kanilang mga imbitadong panauhin na maya’t maya ay dumarating.Nagka-galamano pa si Alamat at Agimat..tunay na SIKAT!