Advertisers

Advertisers

Gilas pumasok sa Inspire Sports Academy para sa mahalagang bahagi ng training

0 128

Advertisers

LUMIPAT ang Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy para sa huling mahalagang bahagi ng training bilang preparasyon sa parating na Asian Games sa Hangzhou, China.

National team coach Tim Cone at iba pang miyembro ng Philippine squad ay pumasok sa training camp sa loob ng National University campus sa Laguna Sabado ng umaga at agad sumabak sa training sa hapon.

Veterans terrence Romeo at June Mar Fajardo ang ilan sa maagang dumating sa Inspire Sports Academy sa Calamba.



Si Romeo, na huling naglaro sa Gilas 2018, ay babalik sa national team matapos na maging isa sa crowd favorites simula lumahok sa pangkat noong 2015.

Nagwagi siya ng silver medals para sa Gilas, noong 2015 FIBA Asia Championship sa China, at ang iba ay sa panahon ng William Jones Cup sa parehong taon.

Samantala, Fajardo ay babalik para isout ang Philippines’ Blue and White matapos ang kanyang 2023 FIBA Basketball World Cup campaign.

Ang 6-foot-10, six time PBA MVP pomuste ng 6.6 points at 5.0 rebounds sa limang games sa Gilas habang nakipagbanggaan ng katawaan kina Karl Anthony-Towns at iba pang top international big men sa paligsahan.

Plano ni Cone na magsagawa ng dalawang beses sa isang araw na closed-door praktis upang tulungan ang Gilas players na matutunan ang kanyang sistema sa natitirang pitong araw bago magsimula ang games sa Setyembre 23.

“We’re gonna be foundational, we’re gonna be fundamental and get to whatever level we can get to by doing it the right way,” Wika ni Cone.



Makakalaro ng Gilas ang Meralco Bolts sa closed-door tune up game sa Inspire.

At susundan ng isa pang tune up kontra Changwon LG Sakers sa PhilSports Arena isang araw bago lumipad ang nationals patungong China.

“We really don’t have pretty much time to play a lot of friendly games. To me the practices are more important than the friendlies because we learn more in practices,” Sambit ni Cone.

Makakalaban ng Gilas sa first game ang Bahrain sa Setyembre 26.

Leave A Reply

Your email address will not be published.