Advertisers
NAPAIYAK na lamang ang isang misis nang iwanan siya ng kaniyang mister nang mahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagmo-motor siklo nang walang lisensiya sa IBP Road,Quezon City.
Napahagulgol na lamang ang babae habang pinakikiusapan ni retired Colonel Bong Nebrija, hepe ng MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit, na tanggapin ang apprehension.
Isinagawa ng MMDA ang operasyon bilang bahagi ng paglilinis sa paligid ng Batasang Pambansa, alinsunod sa paghahanda sa budget hearing simula sa Lunes.
Natiketan ang 32 motorista habang 20 sasakyan ang nahatak sa clearing operation.