Advertisers

Advertisers

3 riders patay sa salpukan ng motorsiklo

0 120

Advertisers

NASAWI ang tatlong indibidwal nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Transcentral Highway sa Barangay Gaas, Balamban, Cebu, Sabado ng umaga (Setyembre 16).

Kinilala ang mga nasawi na sina George Untalan, 54 anyos; Dominador Bragat Jr., 34; at Kate Ponce, backrider ni Bragat, ng Villa Kalubihan, Basak San Nicolas, Cebu City.

Ayon kay Lieutenant Colonel Glenn Hife, hepe ng Balamban Police Station, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkaibang direksyon 10:15 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Transcentral Highway sa Barangay Gaas.



Sa inisyal na imbestigasyon, nagsalpukan ang dalawang motorsiklo pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada na may solid yellow lane.

Ayon sa mga saksi, sinubukan ni Untalan na mag-overtake sa isang sasakyan dahilan para makasalpukan niya ang motorsiklong minamaneho ni Bragat sa kabilang lane.

Ani Hife, ang tatlong biktima ay tumalsik at bumagsak sa sementadong kalsada.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang tatlo, dahilan ng kamatayan ng mga ito.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.