Advertisers

Advertisers

Bakasyonistang sundalo patay, 2 pa sugatan sa ambush

0 94

Advertisers

NASAWI ang isang bakasyonistang sundalo habang sugatan ang pinsan nito at isang balot vendor sa pamamaril ng mga lalaking naka-motorsiklo sa Tacurong City, Sultan Kudarat, Linggo ng gabi, September 17, 2023.

Sa inisyal na ulat ng Tacurong City Police Station nitong Lunes kay Brigadier General Jimili Macaraeg ng Police Regional Office-12, ang napatay ay si Army Private Reymar Seredica Pelaez, kasapi ng 32nd Infantry Battalion na naka-base sa Malabang, Lanao del Sur, Bangsamoro region.

Si Pelaez, taga-Barangay Buenaflor sa Tacurong City, ay on leave sa kanyang Army duties nang maganap ang pagpaslang sa kanya ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan sa naturang barangay.



Ayon sa Tacurong CPS, kagagaling lang ni Pelaez at ng pinsan na si Royce Seridica Garde sa plaza ng Tacurong City at nagkukuwentuhan sa tapat ng kanilang tahanan sa Barangay Buenaflor nang lapitan ng mga lalaking sakay ng mga motorsiklo at agad pinagbabaril.

Agad nasawi sa mga tama ng bala si Pelaez habang nasugatan ng malubha si Garde at ang balot vendor na si Jay-Ar Bandar Dineal.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.