Advertisers

Advertisers

Pastor timbog sa ‘panggagahasa’

0 141

Advertisers

PINOSASAN ng mga operatiba ng Manila Police District Special Operation Unit ang isang pastor na itinuturing na ‘most wanted person’ sa district level sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng ‘Lasciviousness Conduct’, ‘Acts of Lasciviousness’ at ‘Rape’, nitong Lunes, Sept.18.

Kinilala ang akusado na si Michael Moreno y Catabay alyas “Pastor Mike”, 46 anyos, nakatira sa Samatad Compound, Tanigue Street, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Sa ulat, pinangunahan ng mga operatiba ng DSOU sa ilalim ni Major Edward Samonte ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakatimbog ng akusado.



Ibinaba ang arrest warrant ni Judge Glenda Cabello Marin, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 124, Caloocan City.

Ang akusado ay inatasan na magbayad ng piyansang P200,000 para sa Lasciviousness Conduct, at P36,000 para sa Acts of Lasciviousness, habang walang bail sa Rape.

Bago maaresto si Moreno, lumutang ang biktima na si Rose ,19 anyos, dalaga, sa nasabing tanggapan kasama ang kanyang ina at humingi ng police assistance kaugnay sa implimentasyon ng warrant of arrest laban sa akusado.(Jocelyn Domenden)