Advertisers
UMANI ng matinding emosyon at pagninilay mula sa mga netizen ang isang viral na social media post tungkol sa isang motorcycle rider na naglagay ng nakaaantig na mensahe sa kaniyang helmet bilang panawagan para sa kaniyang kaligtasan.
Sa ibinahaging larawan sa post ni “Primo Baconawa”, makikita ang nakasulat sa likod ng helmet ng rider na “Buntis po ang asawa ko. Huwag n’yo po akong sanang saktan.”
Ayon sa netizen, ipinadala sa kaniya ng girlfriend ang larawan matapos itong mag-book ng masasakyan pauwi mula sa trabaho.
Aniya, natigilan siya nang mabasa ang mensahe.
Para sa kaniya, nakalulungkot isipin na may mga manggagawang Pilipino na kinakailangang magsuot ng ganitong pakiusap upang makatiyak na makakauwi silang ligtas sa kanilang pamilya.
“No one should ever have to wear a message like that just to make it home safely. No one should have to leave for work wondering if they will return alive to the family waiting for them,” saad niya sa kaniyang post.
Naalala ang rider na sinaksak sa Caloocan
Iniugnay rin ng netizen ang kaniyang saloobin sa viral na insidente sa Caloocan City kungsaan batay sa mga kuha ng CCTV, matapos ibaba ang pasahero, bumunot ng ice pick ang pasahero at inundayan ng saksak sa tagiliran ang nakatalikod na rider. Nagawa pang makatayo ng rider at humingi ng tulong subalit patuloy si-yang pinagsasaksak, at kinuha ang motorsiklo niya.
Bugbog-sarado naman ang salarin matapos namang magnakaw sa ibang lugar, na humantong sa pagkakasakote sa kaniya.
Ayon sa mga ulat, naulila ng rider ang kaniyang mga anak, na ang isa ay may autism pa.
Ayon kay Primo, bagama’t naaresto na ang salarin, hindi nito mabubura ang trauma at takot na dinanas ng biktima at ng kaniyang pamilya.
“No rider, no worker, and no human being deserves to experience such cruelty,” aniya.
Sa kaniyang mahabang pahayag, nanawagan ang netizen sa pamahalaan ng mas mahigpit na proteksyon para sa mga rider at iba pang manggagawa.