Advertisers

Advertisers

Dalagita ni-rape, isinako at itinapon sa lawa

0 2

Advertisers

HINDI na nakauwi ng buhay ang 11-anyos na batang babae mula sa isang birthday party nang abusuhin at pata-yin ng ilang kalalakihan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dumalo ang bata sa birthday party ng kaniyang kaibigan sa kanilang lugar, ngunit hindi na ito nakauwi matapos ang pagtitipon. Kinabukasan, natagpuan ang kaniyang katawan sa isang lawa sa bayan ng Baruipur sa West Bengal, India.
Napag-alamang ginahasa ang biktima ng hindi pa natutukoy na bilang ng ilang kalalakihan, at isinako nang buhay at inihagis sa lawa.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
Samantala, muli namang nabuksan ang usapin ng karahasan sa kababaihan sa India na matagal nang isyu dahil sa seguridad maging ng ilang batang babae. Panawagan ng ilan, magpataw ng mas mabibigat na kaparusahan sa mga nahahatulang sangkot sa ganitong mga krimen.
Batay sa datos ng National Crime Records Bureau ng India, libo-libong kaso ng panggagahasa ang naitatala bawat taon, habang patuloy ding tumataas ang bilang ng mga paglabag sa Protection of Children from Sexual Offences Act (POCSO), na nagbibigay ng espesyal na proteksyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Ilang grupong nagsusulong ng karapatan ng kababaihan at mga bata ang naniniwalang nananatiling hamon sa bansa ang kakulangan sa mabilis na pag-usad ng mga kaso at limitadong bilang ng mga espesyal na hukuman.