Advertisers

Advertisers

P1.9B budget ng PCO para sa 2024 lusot sa Senado

0 90

Advertisers

APRUBADO na ng Senate committee on finance ang panukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) para sa susunod na taon.

Nasa P1.921 billion ang hinihiling na pondo ng ahensiya para maipagpatuloy ang operasyon nito para sa susunod na taon. Kasunod nito, ie-endorso na ang pondo sa plenaryo.

Binigyang diin ni Secretary Cheloy Garafil sa pagdepensa nito sa pondo ng PCO ang kampaniya laban sa paglaganap ng fake news. Ito ang dahilan kaya inilunsad ang media information litercy campaign.



Iniulat din ni Garafil na nasa 96.60% ang na-disburse sa 2023 financial performance ng ahensiya.

Tinanong din ang opisyal kaugnay sa unobligated funds ng PCO at tugon naman ni Garafil na target matapos bago matapos ang 2023 ang dalawa pang proyeko na kasalukuyang itinatayo kabilang ang Visayas Media Hub at ang isa pa sa Bukidnon.

Paliwanag ng opisyal na nagkaroon ng pagkaantala sa nasabing mga proyekto dahil na rin sa problema sa weather at soil erosion.