Advertisers
IRE-REQUIRED na ngayon ng Korte Suprema ang drug testing sa pre-employment requirement sa Judiciary bilang bahagi ng kanilang Guidelines para sa pagpapatupad ng Drug-Free Policy sa Hudika-tura.
Bukod dito ay sinabi rin ng Korte na mula ngayon ay isasailalim na sa random mandatory drug tests ang lahat ng kanilang mga empleyado kasabay ng babala na mahaharap sa mga kasong administratibo ang sinumang mapapatunayang positibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ito ang inanunsyo ng Katataas-taasang Hukom sa isang pahayag na sasaklaw sa lahat ng mga officials at personnel ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at ang mga first and second-level courts na nasa ilalim ng direct supervision ng Office of the Court Administrator.
Maging ang mga tauhan ng Judicial and Bar Council, Judicial Integrity Board, Philippine Judicial Academy, Office of the Judiciary Marshals, Mandatory Continuing Legal Office, at lahat ng iba pang mga opisinang nasa SC.