Advertisers

Advertisers

Panlabas na utang ng Pilipinas lumobo sa $117.9B

0 99

Advertisers

TUMAAS ng 9.5% ang panlabas na utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, isang taon matapos maupo sa termino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa preliminary data, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang panlabas na utang ng bansa ay umakyat sa $117.9 billion, mas mataas ito kumpara sa $107.7 billion na naitala noong Hunyo ng nakalipas na taon.

Iniugnay ng central bank ang paglobo ng panlabas na utang sa inutang ng gobyerno ng Pilipinas na $7.8 billion sa nasabing period habang ang non-residents’ holdings ng peso-denominated debt securities na inisyu sa bansa ay pumalo sa kabuuang $3.7 billion.



Sa quarterly basis, bahagyang bumaba ang panlabas na utang sa 0.8% o $894 million sa pagtatapos ng Marso na nasa $118.8 billion.

Paliwanag ng BSP na mas mababa ang panlabas na utang sa ikalawang quarter ng taon dahil sa mas malakas na halaga ng US dollar kontra sa ibang currencies sa gitna ng patuloy na paghigpit ng US Federal Reserve.

Leave A Reply

Your email address will not be published.