Advertisers
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na buto ng mga tao ang mga nakuhang nakasilid sa sako na itinapon sa Taal lake sa Talisay, Batangas.
Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre II, na ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng kanilang mga eksperto sa PNP.
Ayon pa kay Torre, maaring may nahalo rin na buto ng mga hayop sa mga nadiskubre sa lugar.
Sa kabuuang limang sako na narekober mula sa Taal Lake ay mahigpit nilang sinusuri ang mga ito.
Dinala na ang mga ito sa forensic group para magsagawa ng cross-matching ng DNA samples sa mga nawawalang sabungero.
Sa kasalukuyan ay mayroong 12 pamilya ng nawawalang sabungero ang nagbigay na ng DNA samples para mai-crossmatch sa mga nadiskubreng buto. (Mark Obleada)