Advertisers
KINUMPIRMA ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na hiniling niya sa lahat ng appointees sa kanilang tanggapan na magsumite ng kanilang courtesy resignations.
Paliwanag ni Gomez, bahagi ito ng karaniwang proseso ng standard transition kung saan pinagre-resign lahat ng mga political appointees.
Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsasaayos at pagsusuri ng kasalukuyang pamunuan upang masiguro ang maayos na daloy ng serbisyo publiko sa ilalim ng bagong liderato ng PCO.
Matatandaang kauupo lamang ni Gomez bilang PCO chief matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Sec. Jay Ruiz na sinasabing mapupunta naman sa Manila Economic and Cultural Office (MECO). (Gilbert Perdez)