Advertisers

Advertisers

TAAS ULI ANG KRUDO AT GASOLINA

0 117

Advertisers

MULING magpapatupad ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi (September 19) ay magpapatupad ang kompanyang Caltex ng P2 sa kada litro ng gasolina habang P2.50 naman sa kada litro ng diesel habang P2 ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Ganito rin ang ipapatupad ng Pilipinas SHELL dakong 6:00 ng umaga habang ang kompanyang Cleanfuel naman ay alas-4:00 ng hapon ipapatupad ang naturang taas-presyo.



Maging ang ilang mga kompanya ng langis ay ipapatupad ang nabanggit na presyo ng mga produktong petrolyo magkakaiba lamang ang oras ng pagpapatupad nito

Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pabago bago ng presyo sa pangdaigdigang merkado.

Ito na ang ika-sampung sunod na linggong pagtaas sa presyo ng gasolina habang nasa ika-labing isang magkakasunod na linggo naman para sa produktong diesel at kerosene.

Leave A Reply

Your email address will not be published.