Advertisers

Advertisers

PPA nakiisa para sa ligtas, balanseng pamamahayag ng media sa Pilipinas

0 8

Advertisers

Nakiisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa layunin ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa ilalim ng Office of the President para sa ligtas at balanseng pamamahayag ng media sa bansa.

Sa ginanap na NCR leg ng Nationwide Media Summit 2023 nitong Setyembre 19, 2023 sa Bayview Hotel sa Maynila, lumagda rin ang PPA sa commitment wall ng programa para tiyakin ang ligtas at balanseng pagbibigay impormasyon sa publiko.

Gayundin ang gawing kabahagi ang media tungo sa bansang may malayang palitan ng impormasyon mula sa gobyerno at sa publiko.



“Sa parte po ng Philippine Ports Authority, tayo po ay nakikiisa sa layunin ng Office of the President na gawing kabahagi ang media tungo sa bansang may malayang palitan ng impormasyon mula sa gobyerno at sa publiko,” ani PPA Spokesperson Eunice Samonte.

“Isa po sa layunin ni PPA General Manager Jay Santiago na panatilihing updated ang mga pasahero at lahat ng gumagamit ng pantalan kaya naman mapapanood rin po ang lahat ng anunsyo ng PPA at ng ibang ahensya ng gobyerno sa mga PPA TV monitor nationwide. Bahagi po ito ng inisyatiba ng PPA GM na gawing informed ang mga tao sa mga kaganapan sa loob at labas ng pantalan,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ni PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez kasama sina Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta, Presidential Communications Office Assistant Secretary for Special Concerns and International Media Michel Andre Del Rosario ang malalim na pagtalakay sa mga karapatan ng media sa ilalim ng batas at sa mga hakbang ng pamahalaan para maprotektahan ang kalayaan sa pamamahayag.

Ani Acosta, dapat daanin sa legal na pamamaraan at hindi sa pamamagitan ng armas o dahas kung may sama ng loob sa mga taga-media.

Pinayuhan din niya ang mga taga-media ng pag-aaral ng batas upang maiwasan ang galit at bangis ng mga nasasagasaan.



“Mayroon kasing mga nasasagasaan sa ating mga kasama sa media na talaga namang may impluwensiya, may kapangyarihan, may kayamanan, at ang kanilang nagiging result ay ikli ng buhay ng ating mga kasama. Bigyan natin ng pagkakataon ang rule of law and justice. Daanin sa proseso,” anang PAO chief.

Ilang batikang media practitioner, abogado at legal expert din ang naimbitahan sa nasabing event kung saan tinalakay ang mga usapin ukol sa Basic Ethical Guidelines for Media Practitioners and Effects of Irresponsible Journalism, Libel at Cyber Libel, Responsible Journalism in Times of War and Threats na may kaugnayan sa Humanitarian Law, at ang wastong paggamit ng Gender Fair Language sa pagsusulat at pagbabalita ng media sa bansa.

Samantala, nagkaroon din ng libreng legal aid clinic para sa lahat ng mga mamamahayag na dumalo sa nasabing pagpupulong.